PRAYORIDAD ngayong taon ng Marcos administration ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng enerhiya.
Maging ang paggamit ng renewable energy ngayong 2023.
Batay sa year-end report ng kasalukuyang administrasyon, kasama sa pangunahing plano rito ng Department of Energy (DOE) ay ang pag-update sa plano kaugnay sa enerhiya.
Pagpapatupad ng contingency measures, pagbuo ng alternative fuel at pagpapabuti sa access ng enerhiya.
Nakasaad din sa ulat na upang maabot ang target na 35 percent na renewable energy share sa power generation mix ng bansa pagsapit ng 2030 at 50% naman sa 2040 at itinaas na rin ang investment sa renewable energy projects.