Sara Philippines Inc. suportado ang kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Sara Philippines Inc. suportado ang kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy

NAGPAHAYAG ng taos-pusong suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy ang samahan ng Sara Philippines Incorporated Surigao Group.

Sa ginawang oath taking ceremony ng mga bagong opisyal ng nasabing grupo ay suportado nila ang kandidatura ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy at nangangakong iboboto nila ang butihing Pastor.

Nasa tinatayang 24,000 ang miyembro ng Sara Philippines Inc. dito sa Surigao City  at layunin ng samahan ang pagpaigting ng magandang adhikain ng dating pangulong Duterte.

Kaya ganito na lamang kalaki ang kanilang pagpapahayag ng suporta kay Pastor Apollo dahil nakikita nila magandang adhikain nito bilang magandang halimbawa ng isang lider dahil may nagawa na ito sa ikakaunlad sa bansa

Bilang representante ni Pastor Quiboloy, inihayag ni Bro. Carlo Catiil, ang co-convenor at spoksperson ng Pastor Apollo Quiboloy for Senator Movement, ang mga plataporma de gobyerno at mga programa ni Pastor Quiboloy para sa mamamayang Pilipino kapag nanalo ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter