Saradong bahagi ng Sales Road, target buksan sa trapiko

Saradong bahagi ng Sales Road, target buksan sa trapiko

TARGET buksan sa trapiko ang saradong bahagi ng Sales Road sa Pasay City ngayong hapon ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nananatiling sarado ang bahagi ng nasabing kalsada habang isinasaayos ang malaking butas na nadiskubre sa kalsada.

Sa kasalukuyan ay tinitibag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Maynilad Water Services Inc. ang konkretong semento bago tambakan ulit ang butas na bahagi sabi ng MMDA.

Bubuhusan ng semento ang malaking butas para matabunan at madaanan na.

Matapos ang curing period, bubuksan na ang Sales Road sa mga motorista.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble