Pilipinas bilang isa sa mga bansa na may zero-dose children, ikinadismaya ng isang grupo

Pilipinas bilang isa sa mga bansa na may zero-dose children, ikinadismaya ng isang grupo

IKINADISMAYA ng grupong Save the Children Ph ang pagiging panglima ng Pilipinas sa mga bansang may zero-dose children.

Sa ngayon, tuluy-tuloy ang immunization ng Department of Health (DOH) para maprotektahan ang mga bata mula sa sakit ng Hepa A, polio, measles, pulmonya, at iba pang sakit.

Ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang bansa sa buong mundo na may zero dose children, dahil diyan ay gumawa ng catch up immunization ang DOH.

Ayon sa UNICEF, 1-M na bata ang zero dose o wala pang bakuna sa Pilipinas.

Pero ang grupong Save the Children Philippines hindi mapigilan na hindi madismaya dahil dito.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), dapat maalis na sa mga magulang ang vaccine hesitancy o ‘yung pag-aatubiling pabakunahan ang kanilang mga anak.

Pero hindi umano vaccine hesitancy ang problema batay sa pag-aaral ng Save Children Ph kundi ang kakulangan ng bakuna sa bansa.

Ang pinipigilang mangyari ng mga doktor ay magkaroon ng outbreak ng iba’t ibang sakit kung maantala ang dating ng mga bakuna.

Ilang sanggol sa Muntinlupa City, nakumpleto na ang pa-routine immunization ng City Health, DOH

Sa Muntinlupa City, maliban sa routine immunization sa mga bata below 5-years old, mayroong din silang bakunahan kontra cervical cancer para sa mga kabataang babae habang sa mga senior naman ay ang anti-pulmonya.

Ayon kay Muntinlupa City Health Department Chief Dr. Juancho Bunyi, kinailangang bumili ng sariling bakuna ng LGU para agad na maagapan sakaling magkaroon ng kakulangan pagdating sa bakuna.

Sa ngayon, kahit ang supplier nila ay nahihirapan na mag-produce ng bakuna.

Sinabi naman ng DOH, na pandemya ang dahilan ng pagkakaroon ng zero dose sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter