Sarah Geronimo, nagpapasalamat sa Billboard at “kinilala” ang Pilipinas sa larangan ng musika

Sarah Geronimo, nagpapasalamat sa Billboard at “kinilala” ang Pilipinas sa larangan ng musika

MALAKI ang pasasalamat ni Sarah Geronimo sa pagkilala na natanggap nito mula sa Women in Music 2024 ng Billboard.

Ito’y dahil ginawaran siya ng Global Force Award kasama ang dalawang iba pang singers gaya nina Annalisa ng Italy at Luisa Sonza ng Brazil.

Sa Acceptance Award, sinabi ni Sarah na malaking bagay para sa kaniya ang mabigyan ang Pilipinas ng isang pagkilala at ikinatuwa rin na binibigyang-pugay ng Billboard ang mga kababaihan sa music industry.

Ang local subsidiary ng Billboard sa Pilipinas, pinasalamatan din ng Pinay Popstar dahil sa commitment nito na dalhin ang Filipino Music sa global audience.

Sa kabilang banda, umaasa naman ang singer na ang pagpupugay na ito ng Billboard ay maging daan para sa Pilipinas at ng ibang bansa na lumikha ng isang positibong mundo sa pamamagitan ng musika.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble