Satisfactory rating ng World Bank para sa flood management project, target pataasin ng MMDA

Satisfactory rating ng World Bank para sa flood management project, target pataasin ng MMDA

TARGET ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pataasin pa ang ibinigay ng World Bank na satisfactory rating para sa pagpapatupad ng Metro Manila Flood Management Project.

Kaugnay nito ay nagsagawa ng pagpupulong ang mga opisyal ng MMDA at ng World Bank para sa update sa implementasyon ng Component 2 ng MMFMP Phase 1.

Tinalakay sa pagpupulong ang status ng mga ipinapatupad na programa at proyekto na nakatuon sa pagbabawas ng mga solid waste sa mga daluyang tubig gaya ng mga kanal at estero.

Kabilang din sa naging diskusyon ang mga plano ng ahensiya para mabawasan ang baha sa Kamaynilaan tulad ng pagsasaayos pa ng mga pumping stations, pagpapalawig ng mga existing projects gaya ng Mobile Materials Recovery Facility at Community Composting gamit ang Takakura Method, at ang pagbuo ng 50-Year Metro Manila Drainage Master Plan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter