Maynilad, tuluy-tuloy sa pagkumpleto sa kanilang mga proyekto

Maynilad, tuluy-tuloy sa pagkumpleto sa kanilang mga proyekto

NAGPAPATULOY ang Maynilad sa pagkumpleto sa iba’t ibang mga proyekto nito upang makatulong na magkaroon ng sapat na suplay ng tubig.

Ayon sa Maynilad, kinukumpuni nila ang mga tagas sa tubo sa bawat mga barangay upang maiwasan ang leak.

Habang tinatarget din nilang i-reactivate ang nasa 60 deep wells sa 14 na locations sa pagtatapos ng taon.

Ang nasabing hakbang ang tugon ng water concessionaire sa pagkuwestiyon ni Senator Grace Poe kung maayos ba nilang naibibigay sa mga customer ang serbisyo.

Tinatapos din ng Maynilad ang modular treatment plant sa Cavite na makapagsu-suplay ng dagdag na 5.5 million liters ng tubig kada araw.

Nagpapatuloy rin ang pagsasaayos sa Putatan Treatment Plant para madagdagan ng 20 million liters ang tubig para sa kanilang mga customer.

Positibo ang Maynilad na magiging operational ang Poblacion Treatment Plant sa Laguna Lake.

Ito ay upang madagdagan ang 50 million liters ng tubig kada araw sa pagtatapos ng 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter