MAGIGING headliner ang K-pop superstar na si Sandara Park at ang P-pop group na SB19 sa isasagawang Acer Day 2024 Concert.
Ang venue para dito ay sa SM Mall of Asia Arena at gaganapin sa Agosto 4.
Makakasama nila sa nabanggit na concert ang P-pop girl group na G22; Filipino singer-songwriters na sina Rico Blanco, Ebe Dancel, at TJ Monterde; maging ang bandang Cup of Joe.
Samantala, sa fans na hindi pa nakapakinig ay available to play on repeat na ang first 9-track solo album na “7 Sins” ni Felip o mas kilala bilang Ken ng SB19.
Kaugnay nito, sa Hulyo 27 ay magkakaroon ang singer-dancer ng stage concert sa The Space, One Ayala.