GAGANAPIN na sa Hunyo 28 ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Invitational Games.
Sa Twitter post ng SBP, sa SM Mall of Smart Asia Arena at Araneta Coliseum ang magiging venue nito.
Unang maglalaro alas kwatro ng hapon sa naturang araw ang Ateneo de Manila kontra Colegio de San Juan de Letran.
Susundan ito ng De La Salle University kontra De La Salle-College of Saint Benilde.
Alas otso naman ng gabi ay ang University of the Philippines kontra San Beda Univerity.
Huling maglalaro ang National University kontra Mapua University.