NAKAHANDA na ang ipatutupad na seguridad ng Presidential Security Group (PSG) sakaling maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Pangulong Rodrigo Duterte sa Comelec.
Tiniyak ng Presidential Security Group na nakalatag na ang seguridad ni Pangulong Duterte sakaling maghain ang Pangulo ng Certificate of Candidacy sa Commission on Election.
Ito ay sa kabila ng direktiba ng komisyon na limitado lang ang kasama ng mga tatakbo.
Ayon kay PSG Commander Col. Randolph Cabangbang na sa usapin ng seguridad ay mandato ng kanilang presidential guards na tiyaking ligtas ang Pangulo saan man ito magtungo.
Dagdag ni Cabangbang, malaki aniya ang pagkakaiba ng pangulo sa iba pang aspirants na maghahain ng kanilang CO.
‘’That is for aspirants remember is he will file as an aspirant he is still the president so yung mandato sa pagsesecure sa Presidente is only being given to the psg the comelec cannot say na sila na ang magsesecure sa Presidente,’’ayon kay Col. Randolph Cabangbang.
Una nang sinabi ng Commission on Elections na nasa isa o dalawa lang ang pwedeng sumama sa mga aspirants na maghahain ng COC ngayong October 1 to 8 sa isa sa mga tents ng Sofitel.
Wala pa namang pahayag ang palasyo kung tiyak na ang pagtakbo ni Pangulong Duterte sa pagka-bise presidente sa nalalapit na halalan.
Pero tiniyak ng PSG na nakahanda sila sakaling mangyari ito.
‘’Wala naman nagaanticipate lang tayo hindi naman pwede na sinabi niya may gagawin siya saka lang tay magpa plan we always do advance planning even months ahead,’’ayon kay Cabangbang.
Magugunitang tinanggap ni Pangulong Duterte ang Certificate of Nomination sa kaniya ng PDP laban pero wala pang abiso ang palasyo kung kailan maghahain ang pangulo.