PPP political party, hinihimok si Mayor Sara na kumandidato sa pagkapangulo

PPP political party, hinihimok si Mayor Sara na kumandidato sa pagkapangulo

OPISYAL nang inilunsad ng Partido Pilipino sa Pagbabago (PPP) Political Party na himukin si Mayor Inday Saran Duterte-Carpio na tumakbo ngayong darating na halalan.

Layunin ng grupo ay upang maipagpapatuloy ang mga pagbabagong nagawa ng administrasyong Duterte.

Sa pangunguna ni Partido Pilipino sa Pagbabago Director General Leonardo Fernandez, ibinahagi niya na si Davao City Mayor Sara Duterte ang nararapat tumakbo bilang presidente ngayong nalalapit na May 2022 national election sa ilalim ng partidong PPP dahil nakikita nito na nasa mayora ang mga katangian ng isang mabuting lider.

Sinabi rin nito na nasa kamay na ni Mayor Sara kung sino ang gusto nitong maging bise presidente sa nasabing political party Ilan naman sa adbokasiya ng PPP ay ang economic development partikular ang livelihood support para sa mahihirap at ang produksiyon para sa agrikultura, political stability na kung saan layunin nilang mas paigtingin pa ang peace and order sa bansa, cultural promotion and integration lalo na sa pagpapalakas ng karapatan ng mga indigenous people, social development, at ang environmental protection and sustainable development.

Isa rin aniya sa layunin ng partido ay ang pagtugon sa iba’t-ibang isyu ng lipunan. Hangad naman ng PPP na maipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang mga programa ng Duterte administration tulad ng Build Build Build program.

Umaasa naman ang PPP political party na tatakbo si Mayor Sara bilang presidente ng Pilipinas ngayong nalalapit na eleksyon.

 

SMNI NEWS