Sen. Bato dela Rosa, hinimok ang pagkakaso sa 2 CTG ‘surrenderees’

Sen. Bato dela Rosa, hinimok ang pagkakaso sa 2 CTG ‘surrenderees’

HINIHIKAYAT ng Department of National Defense (DND) na ituloy at huwag iatras ang paghahain ng kasong perjury laban sa dalawang bumaliktad na umano’y NPA surrenderees o communist terrorist group (CTG) na nagpapakilalang environment activists.

Ani Dela Rosa, dapat maging all-out ang pamahalaan laban sa mga makakaliwa dahil all-out naman din sila na gumagawa ng hakbang kontra sa gobyerno.

Sa panig ni DND Sec. Gilbert Teodoro, Jr. inihahanda na nila ang kaso laban sa dalawa.

Matatandaang sa kanilang unang salaysay, sinabi ng dalawa na sina Jhed Tamano at Jonila Castro na gusto na nilang magbalik-loob sa pamahalaan kaya lumapit sila sa militar pero nang iprinisenta na sila sa media, sinabi na ng mga ito na dinukot, sinaktan, inabuso at pilit lang sila na pinasusurender ng militar.

Samantala, sinabi na rin ni Dela Rosa na magsilbi sanang aral sa mga awtoridad lalong-lalo na sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangyayaring ito at maging maingat na sa susunod sakaling may magbalik-loob.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter