Sen. Cayetano: Karunungan at pag-iingat, kailangan sa pagbuo ng national strategy ukol sa WPS

Sen. Cayetano: Karunungan at pag-iingat, kailangan sa pagbuo ng national strategy ukol sa WPS

HINIMOK ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Biyernes ang pamahalaan na gawin ang tama at huwag idaan sa lakas ang pagtugon sa West Philippine Sea (WPS).

Kasabay nito ang panawagan ng senador na ang karunungan at malalim na pag-unawa sa kasaysayan ang mahalaga sa pagbuo ng estratehiya sa WPS.

“As elected leaders of the nation, it is our duty to get things done the right way. For this we need wisdom and circumspection. In formulating a national strategy, we have to look honestly into the past and make every effort to learn from history,” sabi ni Cayetano nitong Hulyo 28, 2023.

Ginawa ni Cayetano ang pahayag matapos ang debate sa Senado tungkol sa Senate Resolution 659 na inihain ni Sen. Risa Hontiveros noong Hulyo 26.

Layon ng resolusyon na hikayatin ang Philippine government sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs na maghain ng resolusyon sa United Nations General Assembly (UNGA) na mananawagan sa China na itigil na ang pangha-harass sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Cayetano na dapat magpapatuloy pa rin ang diskusyon tungkol sa usapin ng WPS at kailangan ng “maturity” sa pagtugon sa problema at pagbuo ng estratehiya.

“In this regard, I believe not bringing this matter to the UN General Assembly is NOT a sign of weakness but a mark of maturity,” sabi ng senador.

Nanawagan din ang dating Foreign Affairs Secretary ng “aggressive” at “sincere effort” para magkaroon ng negosasyon at confidence-building measures sa China dahil ito aniya ang maaaring paraan para magkaroon ng nagkakaisang solusyon sa problema at maging daan para magkaroon ng kapayapaan at stability sa rehiyon habang binubuo ang long-term solution.

“Both countries have a large stake in maintaining stability in the region. In the wake of the COVID pandemic, with every country in the whole ASEAN scrambling to get back on its economic feet as soon as possible, peace, order, and stability are essential for steady progress and development,” iginiit ni Cayetano.

Sinabi rin ni Cayetano na dapat maalam din ang bansa sa usapin ng geopolitics at maging sensitibo sa mga galaw ng magkakaribal na makapangyarihang mga bansa. Hindi rin aniya dapat hayaan ang mga makapangyarihang bansa na ipilit sa atin ang gusto nilang gawin sa rehiyon.

“A rules-based approach that is fair to all is what we should insist on,” sinabi ni Cayetano.

“The Philippine government’s problem has never been who is ‘right,’ rather it is who has the ‘might’ to enforce being right,” saad ni Cayetano.

“Many experts have said that it will not help the Philippines’ cause and might even weaken our position… We are already on very firm ground based on International Law from the UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and The Hague arbitration award. If we bring this matter before the United Nations General Assembly, anything less than a unanimous vote will only weaken our position and clutter the issues. The UNGA is not a venue of enforcement,” dagdag pa niya.

Unang sinabi ni Cayetano sa plenaryo noong Miyerkules na kaisa siya ng mga senador sa panawagan na itigil ng China ang harassment sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas, pero iginiit niya na dapat maging maingat sa kung anong estratehiya ang gawin na hindi ikahihina ng bansa sa harap ng international community.

Matataandang kinuwestiyon ni Cayetano kung ang proposed resolution ay tamang estratehiya at kung ang pag-akyat sa UNGA ba ang tamang forum para dito. Hindi pa aniya nagpahayag ang Pangulo bilang chief diplomat ng kaniyang kagustuhan na dalhin sa UN ang nasabing usapin.

Bukod dito, sinabi rin ni National Security Adviser Eduardo Año na dapat pinag-iisipan at pinag-uusapan nang maayos ang isyu bago gumawa ng anumang hakbang lalo na kung ito ay tungkol sa pag-akyat sa UNGA.

“Ito ay patuloy na discussion na ginagawa particularly sa security group. And we are also consulting stakeholders,” sabi ni Año sa isang panayam.

Follow SMNI NEWS on Twitter