Sen. Imee sa pagkubkob ng PNP sa KOJC: Ginawang warzone ang Davao City

Sen. Imee sa pagkubkob ng PNP sa KOJC: Ginawang warzone ang Davao City

NAGHAYAG ng lubhang pagkabahala si Sen. Imee Marcos sa ‘di kaaya-aya na paglusob ng puwersa ng kapulisan sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.

Nitong Lunes, “overkill” ang pagkubkob ng kapulisan sa iba’t ibang compound ng KOJC sa utos na hanapin at arestuhin si Pastor Apollo C. Quiboloy sa kabila ng kawalan ng search warrant.

Dahil sa marahas na kilos ng PNP ay nagkaroon ng standoff sa pagitan ng dalawang kampo kung saan nagkasapakan, nagkatulakan, nagkabasaan ng tubig at winasak pa ang gate sa isang lugar na itinuturing na santuwaryo o banal ng mga misyonaryo.

Ayon sa sendora, personal niyang nakita ang ipinadalang puwersa sa Davao City at ito nga ay nakasisindak.

“Aaminin ko dumaan ako sa Davao eksakto nung araw na ‘yon. Andun ako sa Davao at ako ay nasindak kasi andami-daming SWAT, CIDG sa airport. Sangkaterba ‘yung mga SAF Battalion. Nakita ko ‘yung dalawa, tatlo ba na PNP helicopter, may kasama pang drone, may sniper pa sa tuktok ng mga building,” ayon kay Sen. Imee Marcos.

Ang Davao City ay ilang beses nang tumanggap ng pagkilala bilang ‘most livable city’ sa bansa.

Si Pastor Apollo at ang KOJC naman ay kilala bilang matulungin sa kapwa at nagsusulong ng nation-building sa pamamagitan ng iba’t ibang plataporma at programa.

Ikinalulungkot ng senadora ang naging paraan ng gobyerno sa pagkamit ng hustisya sa gitna ng harapang pang-aabuso.

“Ako ay natakot, talaga namang ako ay kakabahan nang todo at ‘yung Davao City ay pawang war zone. Bakit naman nagkaganun? Kinailangan ba talaga ‘yun?” dagdag ni Sen. Imee.

Bukod kay Sen. Imee ay nauna nang naghayag ng pagkabahala sa situwasyon si Sen. Robin Padilla.

Para kay Padilla, dapat na ituring ng mga awtoridad na magkaiba si Pastor Apollo, ang simbahan na KOJC, at maging ang mga misyonaryo.

Maituturing din kasi na sibilyan ang mga miyembro na ‘di dapat nadadamay sa kaguluhan.

Sa isang pahayag, pinaalala naman ni Vice President Sara Duterte na ang pandarahas sa mga mamamayan ay paglapastangan sa ating demokrasya.

Ipinunto ni VP Inday na sa pagpapairal ng batas ay ‘di dapat kalimutan ang kaligtasan ng mga sibilyan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble