MAGSISILBING officer-in-charge (OIC) ng Senado si Senate Majority Leader Joel Villanueva.
Ito’y habang naka-leave si Senate President Juan Miguel Zubiri simula nitong Hunyo 3 – 15.
Tiniyak ni Villanueva na hindi maaapektuhan ang trabaho ng Senado lalo na’t marami pa rin silang hearings na nakatakdang gagawin sa kabila ng session break.
Bago nag-adjourn ang Kongreso noong Hunyo 2 ay isa sa pinakaimportanteng naipasa ng Senado ay ang Maharlika Investment Fund Act.