IGINIIT ni Senator Manny Pacquiao na hindi siya aatras sa presidential race.
Ito ay sa kabila ng mga panawagan ng kaniyang mga kritiko na umatras na ang senador sa kaniyang kandidatura sa pagkapangulo.
Hirit ng presidential aspirant, mas mabuti na ang kaniyang mga kalaban ang umatras sa halalan.
Pangako naman ni Pacquiao na kapag siyay nahalal, hindi ito magiging Trapo o Traditional Politician.
Saad nito, titiyakin niyang masosolusyunan niya ang mga problema ng bansa.