Sen. Pia Cayetano dismayado sa 18th Congress sa pagsasabatas ng Vape Bill

Sen. Pia Cayetano dismayado sa 18th Congress sa pagsasabatas ng Vape Bill

DI na mapigilan ni Senator Pia Cayetano na ihayag ang kanyang pagkadismaya sa tuluyang pagsasabatas ng kontrobersyal na Vape Bill.

Sa isang privilege speech sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ay ipinunto ng senadora na ang kanyang panawagan para sa pagbasura ng dating Vape Bill ay suportado ng nagdaang administrasyon at ng mga eksperto.

Nagbabala si Pia na kwestyonable ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act o mas kilala bilang Vape Bill dahil sa sinadyang patagalin ang batas sa Kongreso bago dumating sa Malakanyang ilang araw bumaba ng nagdaang Pangulo sa pwesto.

Ang panukala niratipikahan ng 18th Congress noon pang Enero 26 ngunit ito ay naitransmit lamang sa Malakanyang noong Hunyo 24 at nag lapse into law Hunyo 25.

 “This poses a lot of questions dear colleagues, tama ba yun? That the members of the 18th Congress who passed the bill, natapos na yung termino nila, natapos na rin yung term ng presidente na kung sino ang magdidesisyon kung ive-veto na nya o i-lapse into law? o kung ano man ang kanyang balak gawin ay dinelay para dumating sa next president that is a legal quandary my dear colleagues,” ayon kay Pia.

Naniniwala rin si Pia na hindi ito dapat naisabatas dahil sa masama ang epekto nito sa kalusugan ng tao.

Una nang inihayag ng mga eksperto na hindi nakatutulong ang vapes at e-cigarette laban sa adiksyon sa sigarilyo.

Sa bagong batas ay maaari nang makabili ng vape ang 18-anyos na dati ay limitado lamang sa 21-anyos pataas.

Di rin sang-ayon ang batikang mambabatas na ilipat sa Department of Trade and Industry (DTI) mula sa Food and Drugs Administration (FDA) ang pag regulate ng vape.

 ‘”Yung arguments that I have heard, “mahirap kausap yang FDA, wag na natin ilagay yan sa FDA.” Ganun? Eh di palitan nyo yung FDA head kung mahirap kausap. Wag nyong ilipat yan sa DTI. That is not their job,” ayon pa ni Pia.

Sa ngayon ang argunmento ng senadora sa pagsasabatas ng Vape Bill ay ini-refer ng liderato ng Senado sa Committee on Health at Committee on Rules.

Ang dalawang komite ay inaasahang magsagawa ng pagdinig sa usapin para makabuo ng rekomendasyon kung ano ang magiging kapalaran ng Vape Law.

 

Follow SMNI News on Twitter