ILANG oras bago ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ay binuksan ng Senado at Kamara ang 2nd regular session.
Alas diyes ng umaga ay opisyal nang binuksan ng dalawang kapulungan ang kani-kanilang sesyon.
Sa Senado, ang pagbubukas ay pinangunahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
Tanging si Senator Pia Cayetano lamang ang hindi nakadalo mula sa 24 na mga senador.
Si Pia ay nasa New Zealand para pangunahan ang delegasyon ng Philippine Women’s National Football Team sa FIFA Women’s World Cup.
Sa kaniyang speech isa-isang pinuri ni Zubiri ang nakamit ng kaniyang mga kasamahang senador sa trabaho, lalo na ang kanilang mga oversight function.
Kabilang dito ang imbestigasyon ni Sen. Bato laban sa mga tiwaling pulis.
Ang walang tigil na pag-iingay ni Sen. Poe sa mga problema sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang pangangalakal ni Senator Francis Tolentino sa mga problema sa Land Transportation Office (LTO).
Pagpapanagot ni Sen. Imee Marcos at Senator Cynthia Villar sa mga agricultural smugglers.
Ang malalimang imbestigasyon ni Sen. Raffy Tulfo sa mga power outages at marami pang iba.
Sa kabila nito ay ipinunto ni Zubiri na ang Senado ay hindi nagbabalik trabaho, sapagkat wala naman aniya silang naranasang break.
Sinabi rin ni Zubiri na mananatiling independent ang Senado at hindi maiimpluwensiyahan ng anumang sangay ng gobyerno o kahit sino mang pulitiko.
“So those unpopular but correct, we will defend. The plenary’s mood should not be dictated by any political weather vane. We will respect the collegial nature of our institution. We will seek consensus and compromise, whenever possible, or divide the House, if needed. We will debate, because a legislature which no longer does, ceases to be the country’s highest deliberative body. The Senate will remain a safe civic space where anyone can come to market his or her views,” pahayag ni Sen. Juan Miguel Zubiri, Senate President.
Sa Kamara naman ay pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbubukas ng session.
Nasa 311 na miyembro ng Kamara ang sumagot sa roll call.
Ipinangako naman ng House Speaker na kanilang ipapasa ang 20 priority bills na aprubado ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).