PATULOY ang ugnayan ngayon ng Kamara at Senado para sa pagbuo ng common web portal ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Layon ng proyekto na gawing efficient ang legislative secretariat at gawing accessible sa general public ang legislative information at hindi lamang sa researchers.
Nitong Martes, nagkaroon ng pulong ang secretariat officials ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Plano naman ng Senado at Kamara na ilunsad ang e-Congress web portal ngayong taon.
Asahan naman ang patuloy na ugnayan ng dalawang kapulungan sa nasabing proyekto.