SISIMULAN na ngayong araw ng Senate Committee on Public Order ang pagdinig hinggil sa nangyaring pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong March 4.
Nauna nang sinabi ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na dadaluhan ito ni suspended Cong. Arnie Teves, Jr.
Bagay na kinumpurma naman ito ni Atty. Ferdinand Topacio, ang legal counsel ni Teves na dadalo ito sa pamamagitan ng video teleconferencing.
Ani Topacio, ang pagdalo ng kaniyang kleyente ay upang ihayag ang kanyang panig at linisin ang kaniyang pangalan.
Itinakda ang naturang pagdinig mamayang alas-diyes.
Tiniyak naman ni Dela Rosa na hindi makakaapekto sa imbestigasyon ng prosekusyon ang gagawin nilang pagdinig.
Hindi rin ito sesentro sa criminal aspect ang kanilang imbestigasyon.