Senado, mananatiling face-to-face ang sesyon ngunit may exemption

Senado, mananatiling face-to-face ang sesyon ngunit may exemption

MULI na namang nadagdagan ang bilang ng mga senador na nahawa sa COVID-19 virus.

Sa kabila ng pagdami ng mga senador na nagkaka-COVID ay iginiit ni Senate President Juan Miguel Zubiri na mananatili pa ring face-to-face ang sesyon sa Senado.

Kanyang ipinunto na kung nagfa-face-to-face ang mga bata sa eskwelahan ay nakakahiya kung video o virtual na nagtatrabaho ang mga magulang.

Pero nilinaw ni Zubiri na exempted naman dito ang may COVID na mga senador.

“ I think the exemption is only when you have covid-19  thats why I made the announcement 22 senators are physically present, and 2 senators are virtually present due to the fact they have COVID- 19, I place that on record,” pahayag ni Zubiri.

Dagdag ni Zubiri na exempted rin sa face-to-face ang mga senador na nagpostibo sa COVID-19 ang kanilang staff.

Maari lamang aniya silang makabalik sa sesyon matapos ang isang linggo at kung negative na sila sa COVID test.

Kinokonsidera din ng liderato ng Senado na bigyan ng exemption sa face-to-face ang mga senior citizen na senador ngunit may babala.

Sinabi ni Zubiri na apektado ang performance ng mga mambabatas sa plenaryo kung sila ay online lamang na a-attend.

“My warning kasi is medyo mas mahirap gumawa ng batas kung kayo ay gumawa online tulad ng hindi kayo makasingit, hindi ka makapag-debate, makapag-haggle, makakuha ng consensus, hindi makasama sa lounge kung may caucus. Medyo dehado ka dun eh,” ani Zubiri.

Matatandaan na una nang nagka-COVID kamakailan sa mga mambabatas sina Senador Alan Peter Cayetano, Imee Marcos, at Cynthia Villar.

Follow SMNI News on Twitter