ALAS 10:00 ngayong umaga ay nagbubukas ng sesyon ang Senado para aprubahan ang resolusyon na ipinaaalam sa House of Representative na may quorum na ang Senado sa pagbubukas ng 3rd Regular Session.
Pangalawang aaprobahan naman ng Senado ang ipaalam sa pangulo na may quorum na ang Senado para sa pagbubukas ng 3rd Regular Session ngayong 19th Congress.
Pangatlong resolusyon na aaprobahan ng mga senador ang House Concurrent Resolution para sa Joint Session upang pakinggan ang ikatlong SONA ng pangulo ngayong 3rd regular session ng 19th Congress.
At ang panghuli ang resolusyon na aaprobahan ng dalawang kapulungan sa Batasang Pambansa upang i-notify ang pangulo sa pagbubukas ng 3rd regular session.
May mga itatalaga din na mga senador na welcoming committee na siyang sasalubong sa pangulo sa Batasang Pambansa kung saan tutuloy muna sila sa holding area at matapos ang maikling kwentuhan ay magtutuloy na sila sa plenary session para ihayag ang ikatlong SONA ng Pangulong Marcos.
Matapos na aprubahan ang mga naturang resolusyon magbibigay naman ng mensahe sa unang pagkakataon ang bagong Senate President Francis Chiz Escudero.
Mamaya inaasahan na dadalo sa pagbubukas ang dalawamput tatlong mambabatas- minus one na sila dahil nag resign na sa Senado si Senador Sonny Angara na kasalukuyan ng kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.
Matapos nito magpapasa ng resolusyon ang Senado para sa pagkakaroon ng joint session ng house at senate para sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. ng alas 4:00 ng hapon.
Susundan naman ito ng pansamantalang pagsasara ng session at itutuloy sa Batasang Pambansa para sa SONA ng pangulo mamayang hapon.
Samantala inaasahan pa rin na mananatiling dalawa ang miyembro ng minorya sa Senado.
Maalala, una nang sinabi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na wala pang lumalapit sa kanya para sumali o lumipat sa minority bloc na tanging siya at si RIsa Hontiveros ang miyembro.
Sinabi na rin ni Senadora Nancy Binay na sumailalim muna ang ‘Solid Six’ sa isang hibernation mula sa politika mula nang mag posession recess ang Senado.
Ang ‘Solid Six’ ay binubuo nila dating Senate President Migz Zubiri, Senador JV Ejercito, Senador Joel Villanueva, Senador Win Gatchalian, Senadora Loren Legarda at Binay.