Serbisyo ng gobyerno, mas inilapit sa mga residente ng Baggao, Cagayan

Serbisyo ng gobyerno, mas inilapit sa mga residente ng Baggao, Cagayan

PINATUNAYAN ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa inisyatiba ng 95th Infantry Battalion at ng Baggao Police Station na abot-kamay lang ng mga Pilipino ang mga programa ng pamahalaan.

Ito’y sa pamamagitan ng programa na ginawa ng mga nabanggit na ahensiya na pinangalanang Inter-Agency Community Outreach Program na ginanap sa Sitio Marus, Hacienda Intal Baggao, Cagayan.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong ipaalam sa mamamayan na tunay na kinakalinga ng gobyerno ang mga nasa laylayan o ang mga lubos na nangangailangan.

Maliban sa pagbibigay ng edukasyon sa mga benepisyaryong residente, namahagi rin ang mga sundalo at kapulisan ng mga bigas, school supplies, at marami pang iba.

Sa kaparehong araw rin ginawa ang feeding program sa nabanggit na lugar. Ang Inter-Agency Outreach Program ay bahagi ng whole-of-nation-approach ng pamahalaan upang tugunan ang iba’t ibang isyu sa komunidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble