“Seven” ni BTS Jungkook, kauna-unahang MV na umabot sa 500M views

“Seven” ni BTS Jungkook, kauna-unahang MV na umabot sa 500M views

HINDI lang ito nanguna sa top charts, kundi isang record-breaking na tagumpay rin ang naabot ni BTS Jungkook sa kanyang solo debut music video.

Sa anunsiyo ng BIGHIT MUSIC ngayong Sabado, umabot na sa 500M views sa YouTube ang music video ng “Seven” na tampok si Latto.

Dahil dito, kinilala ito bilang kauna-unahang music video ng isang male K-pop solo star na umabot sa ganitong milestone.

Isa nga itong malaking tagumpay para kay Jungkook mula sa kaniyang debut bilang solo artist.

Sa loob lamang ng isang taon, 8 buwan, at 7 araw mula nang ilabas ang kanta, umabot na ito sa 500M views.

Sa ngayon ay nasa temporary shift pa ang kanyang grupo na BTS para naman maka-focus sila sa kanilang solo works.

Busy naman si Jungkook sa individual projects habang nasa mandatory military service ang ibang BTS members.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble