‘Siglo ng Kalinga’, hindi isinama sa Magic 8 ng Summer MMFF

‘Siglo ng Kalinga’, hindi isinama sa Magic 8 ng Summer MMFF

IKINADISMAYA ni Dr. Carl E. Balita na hindi naisama sa Magic 8 ng Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Abril ang tribute movie nito para sa mga Pinoy nurse na may pamagat na “Siglo ng Kalinga”.

Ayon kay Dr. Balita, maging si Archie del Mundo, ang writer-producer ng film, nararamdaman nilang parang walang puwang para sa ganitong uri ng tribute movie ang film festival.

Nakatakdang mai-premiere ang ‘Siglo ng Kalinga’ sa ikatlong linggo ng April 2023.

Ang casts ng pelikula ay pawang nurses.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter