Singer-actor Kyle Echarri, umapela sa publiko na ipagdasal ang kanyang nakababatang kapatid

Singer-actor Kyle Echarri, umapela sa publiko na ipagdasal ang kanyang nakababatang kapatid

UMAPELA ang singer-actor na si Kyle Echarri sa publiko lalong-lalo na sa kanyang fans na ipagdasal ang kanyang kapatid na babae.

Sa Instagram post ni Kyle, ibinahagi nyang na-diagnose ng brain tumor ang kanyang nakababatang kapatid na si Bella.

Nalaman lang aniya ito noong Hunyo 21 kahit pa noong Mayo 2 pa nadiskubre ang sakit ni Bella.

Ayon kay Kyle, nais itong itago ng kanyang kapatid upang hindi siya mag-alala kung kaya’t delayed siya sa naturang impormasyon.

Ibinahagi naman ni Kyle na sumasailalim sa radiation treatment si Bella at positibo silang maka-recover ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter