IPINAUUBAYA na sasusunod na administrasyon ang pamamahagi ng 2nd tranche ng fuel subsidy.
Ito ang inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Maria Kristina Cassion sa Laging Handa public briefing.
Aniya, hindi nila haharangan ang anumang programang Marcos administration kaugnay sa pamamahagi ng ayuda sa transportation sector.
Una naming tiniyak ni President-elect Bongbong Marcos na kanyang tututukan ang naturang sektor.
Kaugnay naman sa pamamahagi ng first tranche, sinabi ni Cassion naaabot nasa mahigit 246,000 beneficiaries o transport drivers ang nakatanggap ng fuel subsidy.
Ayon kay Cassion, may sinoli ang LTFRB sa Department of Trade and Industry (DTI) na 5,000 applications para sa fuel subsidy dahil invalid accounts ang mga ito.
Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa DTI ukol sa isyu.
Matatandaang naglaan ang pamahalaan ng P2.5 bilyon para sa fuel subsidy ng mahigit 300,000 transport drivers kabilang mga delivery riders bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyong krudo.