Singil sa kuryente ngayong Abril ng Meralco, tataas

Singil sa kuryente ngayong Abril ng Meralco, tataas

PARA sa mga konsyumer ng Manila Electric Company (Meralco), asahan na ang muling pagtaas ng bayarin sa kuryente ngayong buwan ng Abril.

Sa anunsiyo ng Meralco, tataas ng P0.72 ang kada kilowatt-hour, ibig sabihin magiging P13.01 na ang kanilang singil sa kada kilowatt-hour na konsumo.

Katumbas naman iyan ng dagdag na P145 bayarin para sa mga kumukonsumo ng 200 kilowatt-hour. P216 naman para sa mga kumukonsumo ng 300 kilowatt-hour at P360 sa mga kumukonsumo ng 500 kilowatt-hour.

Ito naman ang ikatlong sunod na buwan na may taas-singil ang Meralco.

Ang dagdag-singil ay bunsod naman ng pagtaas ng presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter