DAGSAAN pa rin ang mga pasahero papuntang San Carlos City, Negros Occidental para makahabol sa last trip.
Ito ang sitwasyon sa Toledo Port, Toledo City kaninang 7:30 ng gabi, Oktubre 29, 2023.
Kaugnay pa rin ito sa long weekend na bunsod ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na isasagawa bukas, Oktubre 30, 2023 na sinundan naman ng Undas.