SMC, nakatakda nang maningil ng toll sa Skyway 3 simula Hulyo 12

SMC, nakatakda nang maningil ng toll sa Skyway 3 simula Hulyo 12

NAKATAKDA nang simulan ng San Miguel Corporation (SMC) ang paniningil ng toll sa 18-kilometer Skyway Stage 3 project nito simula sa Hulyo 12, pitong buwan matapos itong buksan.

Sinabi ni SMC President and Chief Operating Officer Ramon S. Ang, ang revised toll matrix na inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ay mas mababa sa mga toll na orihinal na ipinanukala partikular na para sa mga mas maiksing biyahe.

Ayon kay Ang, ang pinal na aprubadong singil ay ipo-post sa lahat ng toll plazas bago ang toll collection.

Ani Ang, ang nasabing toll na makokolekta nito ay magbibigay sa kompanya ng kita upang masiguro ang epektibong operasyon, maintenance at safe driving conditions sa elevated expressway.

Dahil din sa Skyway Stage 3, naging posible na para sa mga motorista na makaranas ng mas madali at mabilis na biyahe sa South Luzon Expressway o SLEX at North Luzon Expressway o NLEX.

BASAHIN: Skyway 3, libre sa medical frontliners sa oras na maipatupad ang toll fee

NLEX Corporation, gagawa ng bagong 2-km expressway

Samantala, gagawa ang NLEX Corporation ng bagong two-kilometer expressway section sa pagitan ng umiiral na Mindanao Avenue toll plaza at Quirino Highway sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay NLEX Corporation President at General Manager J. Luigi Bautista, sisimulan ito sa second half ng taong 2021.

Ang naturang NLEX C5 link project ay tinatayang makabenepisyo ng aabot sa 45, 000 motorista kada araw.

Hanggang sampung minuto na lang din ang haba ng pagbiyahe mula Mindanao Avenue papuntang Commonwealth Avenue kung ikukumpara sa noon na aabot sa 45 minuto.

SMNI NEWS