SMNI, muli nang mapapanood sa free TV at digital channels

SMNI, muli nang mapapanood sa free TV at digital channels

MAPAPANOOD na ang network na nagsisilbing tunay na boses ng Pilipino, ang SMNI simula ngayong Enero 20 sa lahat ng free TV stations at digital channels nito sa buong bansa.

Tuluy-tuloy na ang paghahatid ng SMNI sa mga programang para sa nation-building.

30 araw ang nakalipas mula nang suspendihin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagsasahimpapawid ng Sonshine Media Network International (SMNI) ay heto’t balik-ere na ang lahat ng free TV at digital channels nito.

Halos isang buwan ding pigil na pigil na nag-abang ang mga masugid na tagasubaybay ng SMNI at ngayong Sabado muli na ninyong mapapanood ang lahat ng mga makabuluhang programa ng SMNI.

Unahin na natin ang programang Problema N’yo Itawag Kay Panelo na napapanood araw-araw mula alas 9-10 ng umaga.

“Let me repeat what I said, the freedom of speech and freedom of the press, ito pong mga kalayaang ito ay sacrosanct, inviolable, nobody not this government, not any agency of this gov’t can diminish, destroy or stop the exercise of this rights and freedom guaranteed by the Constitution. Kahit ano pang pagtatakip ay magpupumiglas at ito ay mamayagpag at ang katotohanan ay mailalantad sa bawat sulok ng mundo,” pahayag ni Atty. Salvador Panelo, SMNI Anchor.

Si Atty. Harry Roque sa Pulso ng Bayan tuwing umaga alas 7 hanggang alas nuwebe Lunes hanggang Biyernes.

Pinoy Legal Minds tuwing Sabado, alas sais medya ng umaga kasama si Atty. Mark Tolentino.

“Of course we will improve, pagandahin natin for the public interest, ‘yan ang maaasahan ng taumbayan at lahat ng followers ng SMNI,” pahayag ni Atty Mark Tolentino, SMNI Anchor.

SMNI Radio, balik-operasyon na

Kasabay ng pagbabalik-operasyon ng SMNI TV ay ang muling pagsasahimpapawid ng SMNI Radio Stations sa buong bansa.

Ang inaabangan ngang programa ni Atty. Rolex Suplico sa DZAR SMNI Radio ay muli nang mapapakinggan tuwing Martes at Huwebes alas 10-11:30 ng umaga.

“Ako po ay natutuwa na magbabalik na ang SMNI at ang entire program. Sa loob nito naniniwala ako na may silver lining in the midst of darkness. Dumaan tayo sa 30 days na binusalan tayo, this time nandito na tayo at bitbit ang katotohanan at alam ko hinihintay na tayo ng taumbayan dahil ang SMNI ay iba sa lahat, ang SMNI ay nagbitbit ng katotohanan,” pahayag ni Atty. Rolex Suplico, SMNI Anchor.

LKAB, GMPM muli nang mapapanood sa SMNI

Balik-ere na rin sa SMNI TV ang programang Laban Kasama Ang Bayan (LKAB) matapos ang 28-day suspension na ipinataw naman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

“Meron akong hindi ipakalimot sa ating kababayan at iyon ay ang dahil sa isang tanong na karapatan ng bawat Pilipino na tanungin ay nasuspend ang malayang pamamahayag ng SMNI at Laban Kasama Ang Bayan at dahil sa tanong na ito totoo ba ang Office of the Speaker ang travel expenses niya 1.8-B, dahil sa tanong na ito naranasan ko first hand ang panggigipit ng administrasyon na ito, dahil dito kami ni Ka Eric ay na illegally detained for 7 days, dito sa tanong na ito. Ano ang masasabi ko sa pagbabalik ng SMNI, ang nararamdaman ko sa tingin ko at lungkot hindi dapat ito nangyayari sa isang totoong demokrasya, hindi dapat nangyayari ang panggigipit, ang pangbubusal sa isang malayang demokrasya pero nangyari ito, huwag natin itong kalilimutan,” wika ni Dr. Lorraine Badoy, SMNI Anchor.

“Ang kagipitan na pinagdaanan ng SMNI ay simbolo ng kaniyang paghamon na sinusuong sa gitna ng mga pagsubok sa politika na marumi na nagiging sanhi ng pagkakawatak-watak ng ating sambayanan sa vested interest ng ilang nasa poder at nagagamit ng tunay na kalaban ng mga mamamayan na nagwawasak ng ating bayan, ang CPP-NPA-NDF na gumagamit ng infiltration sa mga gobyerno kung kaya’t napagwawatak-watak ang ating mga political leaders at dahil diyan naging biktima ang SMNI sa ganiyang dumi ng laro sa mga nais magkamkam ng kapangyarihan na umabuso sa poder at ‘yan po ang kinalaban ng SMNI ang pagtatanggol ng kapayapaan at demokrasya laban sa mapangwasak na kilusan ng CPP NPA NDF na pumapatay at sumisira sa ating mga kabataan sa loob ng kalahating siglo,” ayon kay Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, SMNI Anchor.

Abangan ang pagbabalik ng programang Gikan Sa Masa Para Sa Masa – tampok si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan isa-isa niyang sinasagot ang pinakamahahalagang issues sa loob at labas ng bansa.

At siyempre, hindi makukumpleto ang pagbabalik-ere ng SMNI kung hindi mapapanood ang pinakaaabangang mga programa ng Hinirang na Anak ng Diyos, Pastor Apollo C. Quiboloy tulad ng Powerline, Gospel of the Kingdom, Give Us This Day, Sounds of Worship, ACQ Classics at Spotlight.

“Sa ngalan ng buong pwersa ng SMNI, maraming salamat mga kababayan. Asahan niyo pong patuloy kaming magiging tapat sa aming serbisyo sa paghahatid ng katotohanan,” pahayag ni Dr. Marlon Rosete, President, SMNI.

Sa pagbabalik-operasyon ng SMNI, asahan ng taumbayan ang mas pinalawak, mas pinahusay at mas kapana-panabik na mga programang naging bahagi na ng pang-araw-araw ng bawat Pilipino. Umasa kayo na ang SMNI ay mananatiling tapat sa pagiging BOSES nito ng katotohanan.

Abangan sa inyong mga telebisyon ang mga kaabang-abang na programa ng SMNI 24/7.

Follow SMNI NEWS on Twitter