Smuggling, pinapatay ang buong bansa—FPI

Smuggling, pinapatay ang buong bansa—FPI

PINAPATAY ang buong bansang Pilipinas ng smuggling.

Ito ang naging komento ni Federation of Philippine Industries, Inc. (FPI) chairman Dr. Jesus Lim Arranza sa kaniyang programa sa SMNI kung maituturing ba na karumal-dumal na krimen ang smuggling.

Aniya, ang pagpasok ng smuggled products sa bansa ay nakakapinsala sa kompetensiya na sariling gawa ng mga Pilipino.

Ipinunto pa nito na ang smuggling ay nakakasira sa pamahalaan, industriya at trabaho ng mga Pilipino dahil pinagkakaitan silang kumita.

Tiniyak naman ni Arranza na tinututukan ng FPI na kaniyang pinamumunuan ang smuggling dahil sa masamang epekto nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble