Social pension sa lahat ng senior citizens, isinusulong sa Kamara

Social pension sa lahat ng senior citizens, isinusulong sa Kamara

BIGYAN ng social pension ang lahat na senior citizens.

Ito ang layunin ng House Committee on Senior Citizens kung kaya’t nagsimula na sila sa deliberasyon ng naturang panukala.

Sa kasalukuyang batas ay available lang ang social pension sa mga indigent senior citizen kung saan makatatanggap sila ng isang libong piso bawat buwan.

Sa panukalang ito ay tansya nila na kinakailangang magkaroon ng 93 billion pesos ang bansa upang ilaan para sa isang libong pisong pension ng lahat na senior citizens.

Follow SMNI NEWS in Twitter