Soil fertility level ng lupang sakahan sa bansa, mababa—DA

Soil fertility level ng lupang sakahan sa bansa, mababa—DA

MABABA ang soil fertility ng mga lupang sakahan sa bansa.

Ayon kay Dr. Karen Bautista, ang chief agriculturist ng Department of Agriculture (DA)Bureau of Soil and Water Management (BSWM), 82% sa lupang sakahan ay may moderate to low levels ng soil fertility.

Ibinahagi ni Bautista na ang mababang lebel ng nutrients sa mga sakahan ay dahil sa imported synthetic fertilizers gaya ng urea.

Dahil dito, muling ipinaala ng DA na mainam na paghaluin ang paggamit ng organic fertilizers at biofertilizers para mapataas ang ani at maiwasan din ang pagbaba ng soil fertility level.

Sa ngayon, nagpapatuloy  aniyang bumababa ang soil fertility level ng lupang sakahan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter