POSIBLENG ipatupad ngayong linggo ang paglalagay ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas ayon sa Department of Agriculture (DA).
Kasunod ito sa muling pagtaas sa presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa National Capital Region (NCR) na umabot sa P200/kg.
Nakatakdang magpatupad ng cold storage price o wholesale price ang ahensiya kung saan nasa P115 ang kada kilo ng pulang sibuyas at P100 naman sa puting sibuyas sa merkado.
At maaari itong maibenta ng mga retailer sa P150 kada kilo para sa pula at P140/kg naman sa puting sibuyas.
Punto ng DA, agad maipatutupad ang SRP sa sibuyas sa oras maaprubhan ni Senior Undersecretary Domingo Panganiban.
Ang pagtatakda ng SRP sa sibuyas ay isa sa hakbang ng DA upang ma-stabilize ang presyo nito sa mga pamilihan.
Sa pinakahuling price monitoring ng DA, naglalaro pa rin sa P160/kg hanggang P200/kg ang presyo ng lokal na pula at puting sibuyas sa Metro Manila.