Lumabag sa election gun ban, nasa 86

Lumabag sa election gun ban, nasa 86

UMAKYAT pa sa mahigit walumpo ang bilang ng mga lumabag sa ipinatutupad na election gun ban sa bansa.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), ngayong Biyernes, Enero 14, 2022, umabot na ito sa 86 matapos madagdag ng 12 sibilyan ang bagong lumabag.

Nagmula ang mga ito sa National Capital Region (NCR), Cordillera, Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Central Visayas at Davao.

Habang nakumpiska ang 12 baril, 1 deadly weapon at 148 bala.

Sa kabuuan, mayroong 18,978 na checkpoints ang PNP sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published.