South Korea, nag-ulat ng 2 pinaghihinalaang kaso ng monkeypox

South Korea, nag-ulat ng 2 pinaghihinalaang kaso ng monkeypox

NAG-ULAT ng 2 suspected case ng monkeypox virus ang South Korea kung saan nagsagawa ng diagnostic test ang health authorities ng bansa.

Isa sa mga indibidwal na pinaghihinalaang mayroong monkeypox ay isang dayuhan na nagpakita ng potensyal na sintomas noong Linggo.

Ang isa naman ay isang Koreano na nagpakita ng sintomas nang pumasok sa bansa mula sa Germany, kasalukuyan naman itong naka-admit sa Incheon Medical Center.

Samantala, hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ukol sa mga nasabing indibidwal ang Korean Disease Control and Prevention Agency.

Ngayong buwan lamang, itinalaga ng South Korea ang monkeypox bilang second-degree infectious disease na naaayon sa four-tier system nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter