South Korea, umapela sa court ruling na pagbibigay ng kompensasyon sa mga biktima ng Vietnam war

South Korea, umapela sa court ruling na pagbibigay ng kompensasyon sa mga biktima ng Vietnam war

UMAPELA sa court ruling na pagbibigay ng kompensasyon sa mga biktima ng Vietnam war ang gobyerno ng South Korea.

Naglaan ng 30 milyong won o $22,730 na pambayad ang Seoul Central District Court sa mga apektadong mamamayan ng Vietnam war.

Ayon sa Defense Ministry, dadaan pa sa paglilitis at masusing konsultasyon ang planong apela para sa mga biktima.

Isang 63-taong gulang naman na nagngangalang Nguyen ang nagsampa ng kaso sa South Korean government sa taong 2020 ng higit 30 milyong won sa kadahilanang namatayan ito ng pamilya.

Dagdag pa nito na nasa 70 sibilyan ang napatay umano ng South Korean marines mula sa kanilang lugar.

Matatandaan na nasa 300,000 na South Korean troops ang nakipaglaban sa US forces sa panahon ng Vietnam war.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter