HINDI pabor ang grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na buwagin ang Special Operations Unit ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-PDEG).
Ito ang sinabi ni VACC President Boy Evangelista sa panayam ng SMNI News sa gitna ng mga panawagan na buwagin na ang naturang unit ng Pambansang Pulisya.
Ani Evangelista, dapat lang aniya na maging maingat ang pamunuan ng PNP sa pagpili ng mga tauhang ilalagay sa naturang unit.
Ayon pa kay Evangelista, mawawalan na ng ngipin ang war on drugs ng pamahalaan kung bubuwagin ang special unit o ang mismong PDEG.
Una na ring inihayag ni PNP chief Major General Benjamin Acorda, Jr. na kailangan pa nila ng masusing pag-aaral kung bubuwagin ang drug enforcement units ng PNP.
Pero sa ngayon aniya ay nagpapatuloy na ang isinasagawang imbestigasyon sa mga miyembro ng drug enforcement units at PNP-PDEG sa buong bansa.