SSS RACE Campaign sa Cebu City, mas pinaigting

SSS RACE Campaign sa Cebu City, mas pinaigting

MAS lalong pinaigting ng Social Security System (SSS) ang kanilang Run After Contribution Evaders (RACE) Campaign sa pamamagitan ng pagbisita sa mga kompanya na may delingkwento sa lungsod ng Cebu nitong Hunyo 7, 2023.

Ito’y upang paalalahanan ang mga delingkwentong employers na tuparin

ang obligasyon sa kanilang mga empleyado.

Binisita ng RACE Team ang anim na kompanya na sakop ng North Reclamation Area (NRA) ng siyudad kabilang na ang isang machine calibration, retail automotive, trucking company, management consultancy agency, at hindi rin nakaligtas maging ang isang salon, at pharmacy.

Mismo si Atty. Alberto l. Montalbo-VP, Visayas Central 1 Division SSS ang nanguna sa naturang kampanya kung saan ipinapaliwanag sa employer ang nilalaman ng written order pati ang kahalagahan ng pagbabayad ng kontribusyon sa SSS sa takdang panahon.

Nabatid din ang isang kompanya na binisita ng RACE Team ang aabot na sa P1.9-M ang delinquency.

 “One employer with delinquency of around P1.9-M, that’s a half million contribution delinquency and penalty delinquency of P1.4-M, may isang construction company tayong binisita kanina,” ayon kay Atty. Alberto l. Montalbo-VP, Visayas Central 1 Division, SSS.

Sa kabila nito, masayang ibinahagi ni Montalbo ang positibong pag-comply ng mga previous delinquent employer na una na nilang naabisohan.

“Yes, we’re happy to inform that most or about 90 to 95% were already settle either through a full payment or installment proposal. Again, meron tayong inoffer na installment proposal program doon din sa condonation program. So, nag-avail na ang most of them. Those remaining, na e-file na talaga sa court, on-going na ang case,” dagdag ni Montalbo.

Panawagan ng opisyales para sa mga delinquent employer na gawin ang kanilang mga obligasyon.

“First, for all the employers, ang panawagan ko po ay sana maging ano po tayo dun sa obligasyon natin sa SSS para sa ating empleyado. Importante po na bayaran talaga yung SSS contributions kasi para rin po yun sa kabutihan ng ating mga empleyado dahil sila naman ang nagpapatakbo, kumbaga gumagana ang mga negosyo ninyo dahil sa inyong empleyado. So, kung hindi ninyo mabayaran then definitely hindi rin sila makakuha ng benepisyo sa SSS,” ani Montalbo.

Ang SSS ay isang ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas na naglilikom ng mga pondong salapi mula sa kontribusyon sa pamamagitan ng pagkakaltas sa kita ng mga manggagawa mula sa pribadong sektor.

Layunin ng SSS na makapag-abot ng tulong sa mga miyembro sa oras ng kanilang biglaang pangangailangan gaya ng sakuna at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter