ISANG memorandum of understanding (MOU) ang pinirmahan nitong Martes sa pagitan ng Social Security System (SSS) at League of Vice Mayors’ of the Philippines.
Ito’y para sa insurance promotion ng ahensiya.
Mismong si SSS President and General Manager Rolando Macasaet at League President Dean Anthony Dimalanta ang nanguna sa aktibidad.
Layon nito na himukin ang bawat Local Government Unit (LGU) na isali sa listahan ng mga dapat ma-enroll sa SSS ang barangay workers.
Kaya asahan aniya na mas paiigtingin ng SSS ang kanilang public service programs.
“Ina-anticipate ko ‘yung mga vice mayor sa buong Pilipinas na tutulong sa SSS para magpa-rehistro ng mga job orders nila, casual employees, mga fishermen, mga farmers sa lugar nila para maging voluntary member sila ng SSS,” pahayag ni Rolando Macasaet, SSS President and General Manager.
“Makakaasa ang ating mga kababayan na mag-mula po sa Vice Mayor’s League with the Memorandum of Understanding with SSS ay talaga namang proteksyon nila yun,” saad ni Vice Mayor Dean Anthony Dimalanta, National President, Vice Mayors’ League of the Philippines.
Tiniyak naman ni Dimalanta na pasok sa batas na i-shoulder ng local government ang monthly contribution ng barangay officials, maging ang SK.
“Ah so possible po yun. Ang importante, magkakaroon ng ordinansa para ipasama sila sa mga bayrin,” dagdag ni Dimalanta.