AS of 10 am, naitala ng Philippine Ports Authority (PPA) ang humigit-kumulang 400 stranded na mga pasahero sa pantalan ng NCR-North bunsod ng Super Typhoon Egay.
Ayon sa PPA, ito ay biyaheng papunta sa Bacolod, Cebu, Zamboanga, Butuan, Dipolog, Cagayan, at Puerto Princesa na ngayon ay nanatili muna sa pantalan habang nag-aantay ng abiso ng kanilang biyahe mula sa shipping lines.
Bukod dito ay nag-abiso na rin ang ilang kompanya ng barko na sa Hulyo 28 hanggang Agosto 7 pa ang byahe nila.
Dahil dito ang PPA ay namahagi na rin ng assistance para sa mga pasahero, kabilang dito ang Philippine Ports Authority lugaw, free charging station, free water refilling station, at paggamit ng maayos na palikuran.
Samantala, nakataas na rin sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang Marinduque at Quezon Province. Lahat ng biyahe ng shipping vessels ay suspendido pa rin ayon sa Philippine Coast Guard Southern Quezon.
Una na dito, nagbigay na ng direktiba si PPA General Manager Jay Santiago na dapat mayroong maayos na masisilungan ang mga nag-aantay na pasahero at huwag hayaan na mababad sa ulan o mabilad sa araw ang mga nag-aantay ng biyahe.