Stray Kids, magbabalik sa bansa para sa 2-day concert nito

Stray Kids, magbabalik sa bansa para sa 2-day concert nito

INANUNSYO ng South Korean boy band na Stray Kids na muli itong magbabalik sa bansa sa unang bahagi ng susunod na taon para sa 2-day concert nito.

Sa isang Twitter post ng official account ng grupo, sinabi nito na dadalhin nito ang “Maniac” World Tour sa bansa kung saan itatanghal nila ang kanilang concert sa SM Mall of Asia Arena sa March 11 at 12.

Kinumpirma naman ng local concert promoter na PULP Live World ang balita sa ibang Twitter post.

Nakatakda pa lamang na ilabas ang karagdagang detalye tungkol sa presyo at kung kelan magsisimula ang bentahan ng tickets.

Matatandaan na noong Oktubre lamang nang ilabas ng grupo ang extended play nitong “Maxident” kung saan nakuha nito ang kanilang ikalawang No.1 sa Billboard 200 Albums Chart.

Huling dumalo ang Stray Kids sa bansa para sa solo concert noong April 2019.

 

Follow SMNI News on Twitter