Kylie Versoza, tinanggap ang parangal sa DIAFA

Kylie Versoza, tinanggap ang parangal sa DIAFA

LUMIPAD patungong Dubai ang beauty queen na si Kylie Versoza para personal na tanggapin ang kanyang Best Actress Award.

Sa kanyang acceptance speech sinabi ni Kylie na parang nanalo uli siya ng korona ngunit sa pagkakataong ito bilang best actress.

Dagdag pa ni Kylie, na ang parangal na kanyang natanggap ay para sa mga Pilipinong nagsasakripsyo upang may maibigay sa kanilang mga pamilya.

Matatandaang kamakailan nang inanunsyo ni Kylie ang pagkapanalo nito ng best actress sa 6th Distinctive International Arab Festivals Awards (DIAFA) para sa Philippine adaptation ng Korean movie na “The Housemaid”.

 

Follow SMNI News on Twitter