Sunog sa residential area sa Caloocan aabot sa 20 pamilya apektado

Sunog sa residential area sa Caloocan aabot sa 20 pamilya apektado

NASA 20 pamilya ang apektado sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Brgy. 56, Zone 5, Caloocan City kaninang hatinggabi, Abril 11, 2025.

Sa kabila nito, umabot lang sa unang alarma ang apoy na tuluyang naapula alas-3:08 ng madaling araw.

Sa kabuoan, sampung bahay ang nasunog, ngunit sa kabutihang palad, walang naitalang nasawi o nasugatan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble