MABILIS na tumugon si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto na agad nagbigay ng tulong sa mga nasunugan sa isang residential area sa Janet St., Brgy. Tandang Sora, Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.
Personal na naghatid si Sotto ng isang kahon ng relief goods at iniabot sa bawat isa sa 188 indibidwal na sumilong sa Purok IV-B Satellite Basketball Court, Brgy. Culiat.
Matatandaan na mabilis na kumalat ang apoy dahil sa light materials ng mga istruktura sa kabahayan kung saan mahigit 50 pamilyang informal settlers ang nawalan ng tirahan.
Paalala ng bise alkalde na dapat laging mag-ingat ang mga QCitizen lalo na ngayon na pumasok na ang tag-init kasabay ng Fire Prevention Month ngayong Marso.