Sunshine Cruz, proud mommy sa academic achievement ng anak na si Sam

Sunshine Cruz, proud mommy sa academic achievement ng anak na si Sam

PROUD mommy ang aktres na si Sunshine Cruz dahil sa latest academic achievement ng kaniyang pangalawang anak na si Sam.

Ito’y kasunod ng pagtatapos ni Sam bilang honor student sa De La Salle Santiago Zobel sa Alabang.

Sa kaniyang post, sinabi ni Shine na proud siya sa anak dahil second honors ito para sa first at second term; at first honors naman sa third term.

Dagdag pa ni Shine, ang kaniyang mga anak ang dahilan kaya inspired siyang magsipag sa trabaho.

Matatandaan na opisyal na pumasok sa showbiz industry si Sam noong 2021 bilang bahagi ng Gold Squad Plus ng Star Magic kasama ang mga kapwa singer na sina Angela Ken, KD Estrada at Anji Salvacion.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter