Suplay ng bigas sa bansa, sapat hanggang sa holiday season –DA

Suplay ng bigas sa bansa, sapat hanggang sa holiday season –DA

Libu-libong palayan sa Bulacan at Central Luzon ang nasira nang manalasa ang Bagyong Karding nitong nagdaang araw.

Kung saan apektado ang nakatakdang anihan ng mga magsasaka matapos malubog ang mga palayan sa baha.

Base sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture (DA), pinakamalaking naapektuhan ay ang palayan.

Nasa 114, 446 metriko tonelada ang napinsala ng Bagyong Karding sa sektor ng agrikultura.

At nasa 145, 229 ektarya o katumbas ng 105, 154 metric tons ang napinsala, kung saan ito ay nagkakahalaga ng P1.61-B.

Samantala tiniyak ng DA na sapat ang suplay ng bigas ngayong 3rd at 4th quarter.

Ayon kay Undersecretary at Spokesperson Kristine Evangelista, walang dapat ikabahala dahil sapat ang suplay ng bigas hanggang sa Kapaskuhan.

“What we are doing now, we’re checking ‘yung ating supply outlook for Quarter 3 and Quarter 4 para makita natin how it will affect our sufficiency. Mataas pa rin po ang ating sufficiency base sa ating output look, tiningnan po natin ‘yung suplay at demand para sa 3rd Quarter pati ‘yung suplay and demand para sa 4th Quarter. So, mataas pa rin po ‘yung ating sufficiency level,” Usec. Kristine Evangelista, Spokesperson, DA.

Batay sa National Rice Program, aabot sa 19.50 million metric tons o 12.754 MMT ang aanihing lokal na produksyon ng palay.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng ahensya, nagpapatuloy ang kanilang assessment sa mga pinsalang iniwan ng Bagyong Karding sa agrikultura.

Sa kabila niyan, nakatakda namang ipamahagi ng DA ang iba’t ibang tulong para sa mga magsasaka ng palay.

Mayroong P170.34-M halaga ng rice seeds at iba pang interventions para sa mga magsasaka at mangingisda.

 

Follow SMNI News on Twitter