Supporter ng Hakbang ng Maisug sa Dumaguete City, hina-harass; CCTV sa bahay, sinira ng mga lalaking nakamotorsiklo

Supporter ng Hakbang ng Maisug sa Dumaguete City, hina-harass; CCTV sa bahay, sinira ng mga lalaking nakamotorsiklo

DISYEMBRE 9, ala 1:50 at alas 3:18 ng madaling araw, ikinagulat nila Gaspar at Kitty Torres, mag-asawang supporter ng Hakbang ng Maisug Dumaguete Chapter, ang pag-atake ng nasa 4 na lalaking Riding in Tandem kung san paghahampas ang 4 na mga CCTV Camera na naka-install sa labas ng kanilang bahay sa may Barangay Canduay, Dumaguete City, Negros Oriental.

Agad naman nila itong pina Blotter.

Makikita sa kuha ng CCTV Camera nila ang lalaking bumaba sa motorsiklo at hinampas ang unit ng CCTV gamit ang bitbit nitong Kawayan.

Wasak lahat ng 4 na naka-install na CCTV.

Sa pagsusuri sa CCTV footages, napag-alamang Nobyembre 27, alas 3:18 ng umaga ay una nang winasak ng dalawang lalaking nakatakip ang mukha, ang isang CCTV nila.

At nitong Disyembre 9 nga alas 1:50 ng madaling araw 4 na lalaki gamit ang dalawang motorsiklo ang sumira sa iba pang CCTV na naka-install sa bakod, labas ng bahay.

Tinitignan naman ng mag-asawa na posibleng politika o di kaya ay negosyo ang nasa likod ng pangha-harass sa kanila.

Matatandaang, una nang nag-sumite ng reklamo si Kitty Torres laban kay Negros Oriental, Governor Manuel “Chaco” L. Gagarbaria, matapos makaranas siya ng panggigipit tungkol sa usapin ng negosyong ‘Quarry’ sa Negros Oriental.

Kilala ring supporter ng Hakbang ng Maisug ang mag-asawang Torres.

Katunayan, sa kanilang Bea’s Resto Bar ginanap ang pagtitipon ng halos libong mga leader sa Negros Oriental upang suportahan ang napili nilang mga kandidato.

‘’Bilang dating personal assistant ni dating Negros Oriental Governor Roel Degamo, naging resource person si Kitty Torres sa Senate inquiry tungkol sa murder case ng dating gobernador at nag-testify na walang kinalaman ang dating Congressman Arnie Teves sa pagpatay dito,’’ ayon kay Kitty Torres.

Maliban sa pagwasak ng kanilang CCTV Cameras, una nang na-strapping ang bahay ng mag-asawang Torres sa kasagsagan ng Senate Inquiry ng Degamo Case.

Sa ngayon, tanging hiling niya ay ang sapat na seguridad ng kanyang pamilya na maaaring ipagkaloob ng kapulisan.

At makamit niya ang hustisya sa pang-gigipit na nararanasan ng kanyang buong Pamilya.

Gayun paman sakaling may mangyaring masama sa kanilang pamilya, ay naghabilin na ito sa kanyang mga abogado, kung sino ang taong dapat na managot.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter