Surprise drug test, isinagawa sa 42 opisyal ng PRO Mimaropa

Surprise drug test, isinagawa sa 42 opisyal ng PRO Mimaropa

ISINAILALIM sa surprise drug test ang 42 matataas na opisyal ng Police Regional Office (PRO) Mimaropa.

Pinangunahan ito ni PRO Mimaropa Regional Director Police Brigadier General Joel Doria kasunod ng command conference sa Camp Navarro, Calapan Oriental Mindoro.

Ayon kay Doria, isinagawa ang surprise drug test bilang pakikiisa sa internal cleansing program at paglaban sa ilegal na droga sa hanay ng pulisya.

Pagpapakita rin aniya ito na itinataguyod nila ang pinakamataas na antas ng propesyonalismo at integridad sa paglilingkod sa publiko.

Samantala, negatibo naman ang resulta ng drug test ng mga opisyal.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter